Pasay City, Philippines — Tampok ang mga produktong-pangisdaan mula sa Rehiyon II sa ginaganap na 19th Manila Food and Beverages Expo (MAFBEX) mula Hunyo 10 hanggang 16, 2025, sa World Trade Center, Pasay City.
Layunin ng paglahok ng Department of Agriculture – Bureau of Fisheries and Aquatic Resources Region 2 (DA-BFAR 2) sa taunang pagtitipong ito na higit pang palakasin ang presensya ng industriya ng pagkaing-dagat sa bansa, gayundin ang pagpapaigting ng promosyon ng mga lokal at napapanatiling isda at produktong-pangisdaan sa pamilihang lokal.
Tampok sa DA-BFAR 2 booth ang iba’t ibang sariwa, naproseso, at value-added na produktong pangisdaan mula sa probinsya ng Quirino at Nueva Vizcaya.
Inaasahang dadaluhan ang MAFBEX 2025 ng libu-libong bisita mula sa iba’t ibang panig ng bansa at maging ng mga internasyonal na delegado, na layuning pagtibayin ang ugnayan at kooperasyon sa sektor ng pagkain at inumin.
