Claveria, Cagayan — Anim na mag-aaral mula sa Nueva Vizcaya State University (NVSU)ang pormal nang sinasanay para sa kanilang On-the-Job Training (OJT) sa Cagayan Valley Marine Technology Outreach Station (CVMTOS) ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources Region II (BFAR RO II).
Ang nasabing deployment ay bahagi ng patuloy na ugnayan sa pagitan ng NVSU at DA-BFAR II upang mabigyan ng mas makabuluhang karanasan ang mga estudyante sa larangan ng pangisdaan, marine technology, at aquaculture.
Kasama sa kanilang mga gawain ang hatchery management, marine species monitoring, at pagtulong sa mga proyektong pangkomunidad. Layon ng programang ito na bigyan sila ng aktuwal na karanasan sa larangan ng pangisdaan at teknolohiyang pang-dagat. Ang OJT program ay inaasahang tatagal ng ilang buwan, kung saan susuriin ang kanilang performance batay sa kanilang kontribusyon at dedikasyon sa bawat asignaturang nakatalaga.
Ang hakbang na ito ay isa sa mga patunay ng dedikasyon ng NVSU at BFAR sa pagsasanay ng mga kabataang handang tumugon sa mga hamon ng makabagong agham at teknolohiya sa sektor ng pangisdaan.





















