Mabuttal East, Ballesteros, Cagayan – Pinangunahan ng Department of Agriculture – Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (DA-BFAR) Region 2 ang matagumpay na pagsasagawa ng Harvest Field Day para sa Techno-Demo cum Livelihood Project on Monoculture of Tilapia in Pond nitong Agosto 12, 2025, kung saan si Roldan R. Alvarez ang napiling benepisyaryo.
Layunin ng proyekto na maipamalas at maipakilala sa mga mangingisda ang makabagong teknolohiya at tamang pamamaraan sa pag-aalaga ng tilapia gamit ang monoculture system, upang mapataas ang produksyon at kita ng mga mangingisda. Sa pamamagitan ng techno-demo, natutulungan ang mga benepisyaryo at komunidad na makakuha ng sapat na kaalaman at kasanayan para sa mas maayos na operasyon ng palaisdaan.
Dumalo sa nasabing aktibidad sina Atty. Ronaldo Libunao, chief ng FPSSD, at Ms. Jennifer Tattao, Provincial Fishery Officer – Cagayan, at mga kinatawan ng Lokal na Pamahalaan ng Ballesteros sa pangunguna ni Mayor Robert H. Oligano at Municipal Agriculture Officer Mehlou Jean V. Roldan.
Patuloy ang DA-BFAR RO2 sa pagpapaigting ng mga programang magsusulong sa kaunlaran at magbibigay ng mas maraming oportunidad sa mga mangingisda sa rehiyon.



