Claveria, Cagayan – Namahagi ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) – Claveria Brackishwater Technology Outreach Station (CBTOS) ng 183,000 Molobicus tilapia fingerlings sa mga mangingisda ng Cagayan nitong buwan ng Agosto 2025.

Kabilang sa mga benepisyaryo ng inisyatibang ito ang mga bayan ng Sanchez Mira, Sta. Praxedes, Ballesteros, Pamplona, at Abulug, na gagamit ng mga de-kalidad na fingerlings upang higit pang mapalago ang kanilang produksyon sa pangingisda.

Ipinapakita ng programang ito ang patuloy na pagtutok ng CBTOS sa pagbibigay ng mataas na kalidad ng fingerlings at mapataas ang ani  ng isda para sa mga komunidad.

Bilang bahagi ng mas malawak na programa ng BFAR, layunin din ng pamamahaging ito na palakasin ang industriya ng aquaculture sa rehiyon at makapaghatid ng dagdag na oportunidad sa kita para sa mga pamilyang mangingisda sa Cagayan.