TUGUEGARAO CITY, Cagayan — Puspusan ang isinagawang pamamahagi ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources Regional Office 2 (BFAR RO2) ng relief goods sa mga apektadong residente ng Cagayan, partikular sa mga anak ng mangingisda na labis na naapektuhan ng Bagyong Nando.
Aabot sa 4,932 food packs ang naipamahagi sa mga residente ng Calayan, kabilang ang mga barangay ng Calayan Proper, Dalupari, Babuyan Claro, at Camiguin. Bukod dito, 4,000 sako ng tig-5 kilong bigas naman ang naipagkaloob sa mga bayan ng Buguey, Claveria, Sta. Praxedes, Sta. Ana, at Gonzaga.
Kabilang sa mga nabigyan ng tulong ang mga anak ng mangingisda na nag-aaral mula sa Cagayan State University (CSU) Aparri at Tuguegarao City.
Ang inisyatibong ito ay bahagi ng patuloy na pagtugon ng BFAR RO2 upang matulungan ang mga mangingisda at kanilang pamilya sa panahon ng sakuna, bilang pagpapakita ng malasakit at pagkakaisa sa komunidad ng pangisdaan.






